HITHIT BUGA NG PAG-IBIG

Go down

HITHIT BUGA NG PAG-IBIG

Post  Admin on Sat Feb 23, 2008 2:28 pm

copy paste coh lang ito ah..


Pag ibig masarap namnamin subalit masakit kapag napaso !
Di ako mapakali ng marinig ang usapan ng mga lalaking ito .. akala nila ganito ang lahat ng babae… tapat din naman magmahal kaming mga babae... .ako nga kahit multo minamahal ko ng tapat ..…….grabe talaga pagdatng sa buhay pag ibig ……

Usapang lalaki, sindi ng yosi, hithit, buga.. hay naku buntunghininga malaking problema sa ‘ting mga babae.

Musta na pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni – muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maunawaan. Ewan ko ba hinga ng malalim ….Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. Tingin sa stars… pakiramdam lagi silang api … nag iinarte mga lalaki... madrama ang mga lalaking ito …. Totoo kaya iyon …

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?

Ang feeling ng masaktan pag nabasted?

Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap natin e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

tingin sa malayo, feelings nabagsakan ng mundo .,.. madrama rin pala ang mga lalakwe…

Lagi naman ganun. Una pa lang,lalake na ang naghihirap.

Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? “Siyemrpe pakipot muna makagaganti kapag kami naloko…”

Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.

At ano ang kapalit?

Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan pa…. wawa naman pala sila …mga amiga kunyari di natin alam iyon ..

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa 'ko ready eh..",

"Sorry pero I think we should just be friends..",

"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."

"Better luck next time na lang muna, okay lang?",

"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",

"Para lang kitang kapatid e..",

yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* nilabasan lasing na..

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* nakakakonsensiya yata … di naman ….

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either

sawa na sila,
hindi na tayo trip,

may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may
kasalanan.Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

_________________
●●● »βά†άиģ∞PΔ« Ĉέr┼ĩƒĭĒĎ ●●●
avatar
Admin
Admin

Posts : 22
Join date : 2008-02-21
Age : 33

View user profile http://pinoyacademy.nicetopic.net

Back to top Go down

Re: HITHIT BUGA NG PAG-IBIG

Post  elyk on Sat Feb 23, 2008 4:30 pm

hehe... gusto co mag comment weh..
Ang palay pag tinanim dpat lagi mo alagaan.Lagyan ng pampataba at prOteksYon sa mgA InseKTo..Araw araw titignan at didiligan paghihirapan hanggang sa Lumaki at ang PALAy na tinanim mo ay UMANI ng sa gaNOn magkaruN ng BIGAS na kakainin sa araw araw ng bawat tao sa munDo.Dahil kapag ndi mo ito inalagaan mabuti at ito ay lumaking ndi maganda. Ang Palay na tinanim mo ay magiging biGas na walang kwenta.Katulad ng babae na sinusuyo ng lalaki. Hindi ba dapat sincere kau sa babaeng nililigawan nio. Ibig sabiHin hindi naman namin kau piniLit magpakahiraP sameN at mAs lalong hindi rin namin ginUstONg mAGduSA kaYo ng Sobra Sobra dahil sa Amin. Pero sa kagustuhan ninyong mapa sainyo kami. Gumawa dapat kau ng bagay na magpapatunay ng tunay na pagmamahal nio ndi para isumbat samen ang lahat.Hindi sa pagiging "DEMANDING" ang tawag dun.Katulad ng palay kahit na gaano nio man paghirapan shang buhayin kung may MALING pamamaraan ang lahat ay mauuwi lamang sa wala. Hindi naman cguro namin kasalanan iyon pag nagkataOn.Ang mabuTing sagoT dyan ay sana naman walang sisihan. Dahil kung atin titignan mabuti Hindi lang naman kayo ang palaging "SAWI".. Hindi ba't mga babae rin? Ang babaeng pinangakuan mo ng lubos mong mamahalin at ndi ipagpapalit kahit kanino man. Ang babaeng sinabihan mo ndi mo makakayanan pag nawala saU.So wala naman sisihan..patas lang ang laban.Pare pareho tayong nasasaktan..
Suspect

_________________
~♥ nO_oNe_cAn_OwNz_MeH ♥~

● █▒█ βΔ┼Δиģ ĩNðﮎėń┼ė иģ PΔ █▒█ ●
avatar
elyk

Posts : 115
Join date : 2008-02-21
Age : 33
Location : Philippines-Japan

View user profile http://www.xat.com/Pinoy_Academy

Back to top Go down

palakpak para kay elyk!!

Post  muniix.momo on Sun Feb 24, 2008 1:08 am

well i agree din .. di lang naman kami ang nasasawi if that's what you think .. gosh! mas sensitive pa nga kaming mga girls kesa sa inyong letseng boys .. dba girls ?? problem din naman sa mga girls is ung jelousy .. ay di rin pala sa girls .. sa boys din! basta parehas lang naman taung lahat eh .. kexo ganito oh ganyan .. were all the same .. lets accept the fact na love hurts .. kailangan talagang may isang magdudusa and may isang magpapakasaya .. T_T

and to those couples dito ngaun na nagbabasa nito ..well i assure you na walang naglalast na relationship dito sa CHAT .. its like parang TRUE sila ngaun sau .. coz kausap ka nila .. weh basta ganun .. para rin silang posers .. kasi ung iba nagtatago rin .. like kunwari BF/GF mo xa dito pero u'll never know baka meron pa xang iba sa real world!! get it, get it!? well dami ko nang na-experience na ganyan dito .. ung ibang mga girls pa kala naman nila SERIOUS na talaga ung guy sa kanila .. pero saan nag-eend ? sa iyakan din .. umuuwi lang din silang luhaan .. tsk. tsk. tsk .. kea ayun .. natatatak na sa mga isipan naming mga girls ang paghihiganti .. or REVENGE!! .. minsan dahil din dun sa ginawa sau ng ex mo .. gusto mo na rin isisi sa ibang tao .. parang ginagawa mo rin ung ginawa nung ex mo sau sa ibang tao .. basta ganun .. kawawa naman mga biktima .. Sad

sa mga singles naman dyan .. wag na kau maghanap ng kabiyak dito sa chat .. dapat sa totoong buhay na .. un ung totoong maglalast and magli-live happily ever after .. LOVE is like a FANTASY .. basta ganun ko idescribe ang love .. minsan kasi .. nauuwi sa HAPPY ENDING .. minsan naman .. namamatay ung bida kea hindi happy ending .. Very Happy getz nyo ? basta un na puu un ..im just giving my opinion with this stupid thread .. Razz:P

**LOVE HURTS**
avatar
muniix.momo

Posts : 13
Join date : 2008-02-23

View user profile

Back to top Go down

Re: HITHIT BUGA NG PAG-IBIG

Post  elyk on Sun Feb 24, 2008 1:23 am

Naks may natutunan saken si MUNIX.. Im so glad..THUMBS UP ka saken!

_________________
~♥ nO_oNe_cAn_OwNz_MeH ♥~

● █▒█ βΔ┼Δиģ ĩNðﮎėń┼ė иģ PΔ █▒█ ●
avatar
elyk

Posts : 115
Join date : 2008-02-21
Age : 33
Location : Philippines-Japan

View user profile http://www.xat.com/Pinoy_Academy

Back to top Go down

..wla sa topic..hahaha..

Post  [[..ms.jhona..]] on Tue Mar 11, 2008 1:15 am

Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?

Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago...ayokong makitang nahihirapan ka...tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....

Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo...lahat gagawin mo...pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo...ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?

Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang....tumalon ka tapos sigaw mong mahal mo siya, pero kung di ka niya sasaluhin, wag kang mag-alala, ano ba'ng silbi ko? di ba tagasalo pag wala siya?

Sabi mo mahal mo ko...sabi mo di mo ko iiwan..sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala iba na kasama mo. andaya talaga...dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?
avatar
[[..ms.jhona..]]

Posts : 30
Join date : 2008-02-22
Age : 27
Location : ...JAPAN..

View user profile

Back to top Go down

..ampzz.

Post  [[..ms.jhona..]] on Tue Mar 11, 2008 1:22 am

na-feel mo na ba yung akala mo wala na...
tapos na ang lahat...
okay ka na!
tapos isang araw nagkita kayo...
ngumiti siya sa yo...
nasabi mo na lang,
"shit! mahal ko pa rin to


Takot akong mawala ka...
Di ko alam kung bakit...
Hindi sa di ako mabubuhay ng wala ka..
Kundi.. takot akong dumating yung araw...
na mahal pa rin kita..
Kahit wala ka na.....

avatar
[[..ms.jhona..]]

Posts : 30
Join date : 2008-02-22
Age : 27
Location : ...JAPAN..

View user profile

Back to top Go down

Re: HITHIT BUGA NG PAG-IBIG

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum